Paano kumonekta sa Wi-Fi at kung ano nga ba ang mga hakbang ng kompyuter? Una sa lahat talakayin muna natin ang kompyuter.

Ano nga ba ang kompyuter?

Ang kompyuter ay isang digital elektronik na makinarya kung saan dinisenyo upang kusang magkompyut ng mga pangkat ng aritmetik at lohikal na mga operasyon, pero sa panahon ngayon ginagamit din ito bilang maging gabay at para mapadali ang ibang trabaho o pag aaral ng ibang tao.

MGA HAKBANG ISANG KOMPYUTER

Una ay i-set up ang iyong kompyuter. Kung ikaw ay magseset-up ng isang bagong kompyuter, may mga ilang hakbang na kakailangin mong tandaan bago simulan ang paggamit nito

Pangalawa naman ay gumawa ng isang user account. Kung ikaw ay gumagamit ng computer para sa unang pagkakataon, kinakailangang gumawa ng isang user account. Ang account na ito ay humawak ng lahat ng iyong mga dokumento, mga larawan, mga na download na file, at iba pang file na ginawa.

Maging pamilyar sa mga desktop. Desktop ay ang pangunahing lugar ng iyong computer, at ito ang pinaka pinupuntahang lugar sa iyong computer, maging pamilyar din sa mga software na iyong gagamitin.

Alamin ang mga batayan sa paggamit ng mouse at keyboard. Ang mouse at keyboard ay ang iyong pangunahing paraan ng pakikipag-ugnay sa iyong computer. Pag-aralan ito ng ilang oras para maging pamilyar sa kung paano gumagana ang mga ito at kung paano ito magagamit sa mga operating system at programs.

MGA HAKBANG UPANG MAIKONEKTA ANG IYONG KOMPYUTER SA ISANG WI-FI.

Unang Hakbang

Pumunta sa Wi-fi option.

Pangalawang Hakbang

Hanapin ang Wi-Fi na nais mong pag kunektahan.

Pangatlong Hakbang

Ilagay ang password ng Wi-Fi.

Pang apat na Hakbang

Ikaw ay naka konek na sa iyong Wi-Fi

ANG WEBSITE NA ITO AY BINUO PARA SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PILING LARANGAN TEKBUK

GROUP NO. 2 TEACHER: MS. RACHELLE ANN FURIO
NAME: CASINOVA, CELEDENIO, COLICO, CASTOR, DELA CRUZ











Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started